Dalawang mambabatas ang naghain ng panukalang batas na naglalayong pagaanin ang work load ng mga guro.
Ang House Bill 9913 at 9914 na iniakda nila Bohol 3rd District Rep. Kristine Alexie Tutor at Laguna Rep. Marlyn Alonte ay naglalayong tanggalin na sa mga guro ang kanilang administrative at healthcare functions.
Sakop nito ang mga guro na nagtatrabaho sa mga pribado at pampublikong eskwelahan mula K-12 hanggang sa higher education at public and private basic education.
Ayon kay Rep. Alonte, panahon nang magkaroon ng balanseng pamumuhay ang mga guro na matagal nang ‘overloaded’ sa trabaho.
Ayon naman kay Rep. Tutor, sosolusyunan ng naturang mga hakbang ang academic overload tungo sa mas healthy at safe offices sa mga eskwelahan. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes