Pilipinas at Estados Unidos, nanawagan sa China na respetuhin ang 2016 Arbitral Ruling sa WPS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kapwa nanawagan ang Pilipinas at Estados Unidos sa China na respetuhin ang 2016 Arbitral Ruling na kumilala sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ang panawagan ay ginawa sa isang joint statement matapos ang 2 plus 2 ministerial meeting sa pagitan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo, Department of National Defense (DND) Officer in Charge Sr. Undersecretary Carlito Galvez Jr., US Secretary of State Antony Blinken at US Department of Defense Secretary Lloyd Austin sa Washington kahapon.

Kasabay nito, inihayag ng mga kalihim ang kanilang mariing pagtutol sa ginagawa ng China na “unlawful maritime claims, militarization of reclaimed features, and threatening and provocative activities in the South China Sea”.

Giit ng mga kalihim, ang mga aktibidad na ito ay nakakasagabal sa kabuhayan ng mga mangingisda at banta sa “food security” ng Pilipinas.

Nagpahayag din ng pagkabahala ang mga kalihim sa reclamation activities ng China sa ilang mga isla sa West Philippine sea bilang bahagi ng kanilang pagsulong ng iligal na “maritime claims”, na kontra sa mga prinsipyong inilatag sa 2002 Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us