Sen. Joel Villanueva, hinimok ang Comelec na gawing mas simple ang pagbawi ng pirma para sa people’s initiative

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Senate Majority Leader Joel Villanueva sa Commission on Elections (Comelec) na gawing mas simple ang paraan ng mga nais bawiin ang kanilang pirma sa people’s initiative.

Ginawa ni Villanueva ang panawagan na ito matapos aprubahan ng Comelec ang withdrawal form para payagan ang mga Pilipino na bawiin ang kanilang pirma na isinumite para sa chacha.

Ayon kay Villanueva, bagamat welcome development ito ay hindi dapat pahirapan ang ating mga kababayan sa proseso ng pagbawi ng kanilang pirma.

Aniya, hindi na dapat hingian ng paliwanag ang mga nais bawiin ang kanilang pirma dahil karapatan nila ito.

Dahil dito, binigyang diin ng senador na mahalagang magkaroon ng malinaw na direksyon mula sa Comelec lalo na’t ang Korte Suprema na mismo ang nagsabi na walang sapat na batas para sa isang people’s initiative sa pag amyenda ng konstitusyon.

Samantala, pinuri naman ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang poll body sa naturang desisyon dahil karapatan ng mga tao na bawiin ang pirma na mahalaga para sa kanila. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us