Welcome at binati ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe ang inanunsiyong nanalong private sector bidder para sa rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ngayong araw, pinangalanan ng Department of Transportation (DOTr) ang San Miguel Corporation na nanalo sa P170.6 billion NAIA Rehabilitation project.
Ayon kay Poe, kakaharapin na ngayon ng naturang kumpanya ang hamon na pagsasaayos at pagmomodernisa ng NAIA nang maka-graduate na ito sa listahan ng world’s infamous airports.
“The winning bidder faces a herculean task of giving the decades-old structure the crucial expansion and modernization so it could graduate from the list of the world’s infamous airports,” ani Poe.
Umaasa rin ang senator, na ipagpapatuloy ng DOTr ang pagtitiyak ng efficiency at transparency ng bawat hakbang sa development project na ito.
Binigyang diin ni Poe, na ang tagumpay ng rehabilitasyon na ito ay hindi lang makapagbibigay ng kaligtasan at convenience sa mga Pilipino, kung hindi magbibigay rin ng pride sa pagkakaroon natin ng isang world-class gateway.
Aniya, matagal nang hinihintay ng ating mga kababayan ang isang maayos at maipagmamalaking paliparan kaya sana ay hindi tayo mabigo. | ulat ni Nimfa Asuncion