Nagkasundo ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at Manila Local Government Unit para sa mas mahusay at sustainable urban landscape sa capital city ng bansa.
Isang Memorandum of Understanding ang nilagdaan nina DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar at Manila Mayor Honey Lacuna para sa isang selyadong partnership.
Sa panig ng Manila LGU, tinukoy ni Mayor Lacuna ang pakikipagtulungan sa DHSUD ay isang malaking tulong sa pagsusulong ng LGU para sa isang “Magnificent Manila” na world-class, greener at smarter.
Kampante ang alkalde na sa tulong na teknikal mula sa DHSUD, ang Lungsod ng Maynila ay hindi lamang makakabuo ng isang na-update na plano sa paggamit ng lupa.
Sinabi ng alkalde na ito ay magiging “innovative and novel,” na magpapahusay sa kalidad ng buhay ng bawat residente na may ligtas at environment-
friendly na social amenities.
Habang pinapanatili nito ang mayaman at natatanging pamana ng kabisera, patungo sa isang kahanga-hangang Maynila.| ulat ni Rey Ferrer