Sisimulan na ng Valenzuela City government ang pagtatayo ng One Valenzuela Command Center.
Tapos nang isagawa ang groundbreaking ceremony bilang hudyat ng pagsisimula ng konstruksyon ng proyekto.
Ang One Valenzuela Command Center, ay isang satellite office ng ALERT o Allied Local Evacuation and Emergency Response Teams Center na nasa Barangay Paso de Blas.
Matatagpuan sa itatayong 4-storey building ang mga facility at satellite offices ng Valenzuela City Command, Control, and Communication Center (VCC3), Traffic Management Office (TMO), Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management Office (VCDRRMO), Philippine National Police (PNP) Office, Anti-Cyber Crime Unit, Electric Vehicle Charging Station, at Radio Tower.
Sa sandaling matapos ang command center, mas mailapit na ang mga serbisyong sibil sa mga residente ng District 2 barangays.
Samantala, nagkaloob din ang lungsod ng mga service vehicle tulad ng SWAT vans sa Valenzuela City Police.
Habang mga ambulance van at WES Serbisyo Van naman ang itinurn-over sa Barangay Gen. T. de Leon. | ulat ni Rey Ferrer