Ipinahayag ng Department of Energy (DOE) sa pangunguna ni Undersecretary Rowena Cristina Guevara na umabot na sa 180% ng kasalukuyang power generation ng bansa ang potential capacity ng mga nai-award ng service contracts para sa mga offshore wind project.
Ayon sa ulat ng DOE, katumbas ang kasalukuyang 82 offshore wind contracts ng potential capacity na aabot sa higit sa 63 gigawatts.
Kaya giit ni Usec. Guevarra ang pangangailangan para sa pagtutulungan kasama ang pribadong sektor upang malampasan ang samu’t saring hamon para sa offshore wind operation.
Ilan sa tinukoy ni Guevarra ang hamong pang-imprastruktura at pag-overlap sa mga no-build zone na in-identify ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Philippine Coast Guard (PCG).
Kaya naman patuloy umano ang Energy Department sa mga proaktibong hakbang para sa koordinasyon sa pagitan ng mga developer at kaukulang ahensya para sa pagsunod sa mga regulasyon at pagpaplano partikular sa mga lugar kung saan nag-overlap sa mga no-build zones ang mga offshore wind project. | ulat ni EJ Lazaro