Sumailalim sa inspeksyon ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben Tai ang dalawang proyektong pabahay sa Zamboanga City.
Nais ni GM Tai na masigurong matibay at ayon sa mga panuntunan ng NHA ang mga housing units gayundin mabilis na maipamahagi sa mga benepisyaryo.
Pinuntahan ni NHA GM Tai ang Talisayan Greenfield Resettlement Project Phase 3 at Labuan Sea Breeze Subdivision Phase I & II.
Ang Phase 3 ng Talisayan Greenfield Resettlement Project ay pabahay ng NHA sa ilalim ng Government Employees Housing Program (GEHP).
Magiging benepisyaryo ng housing units ang mga kawani ng gobyerno at mga overseas Filipino workers (OFWs).
Ininspeksyon din ni GM Tai ang Labuan Sea Breeze Subdivision, na nasa ilalim ng Calamity Housing Program ng ahensya
Ang bawat yunit ay laan para sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Brgy. Labuan.
Sa ngayon, mayroon nang 126 na pamilyang benepisyaryo ang naninirahan sa Labuan Sea Breeze Subdvision Phase I. | ulat ni Rey Ferrer