Balik piitan na ngayon ang noong tumakas sa bilangguan na isang Person Deprived of Liberty (PDL) matapos ang operasyon na isinagawa ng Fugitive Recovery Team (FRT) ng Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Occidental Mindoro.
Ayon sa ulat ng Bureau of Corrections (BuCor), 25 taong nagtago sa mga awtoridad ang nasabing PDL bago muling matagumpay na nahuli ng mga awtoridad sa pangunguna na CO2 Rinchie Canja at iba pang kawani ng IPPF at FRT katuwang ang mga personnel mula sa Sablayan Municipal Police Station (MPS).
Balik kulungan na ngayon ang recaptured escapee at nahaharap sa mga panibagong kasong kriminal dahil sa kanyang isinagawang pagtakas. | ulat ni EJ Lazaro