Binigyang papuri ni Department of Finance (DOF) Secretary Ralph Recto ang pagsang-ayon ng Manila International Airport Authority (MIAA) Board sa Public-Private Partnership (PPP) contract para sa rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), na itinuturing ngayon bilang pinakamalaking PPP project sa ilalim ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Layunin ng proyekto na may estimated cost na ₱170.6 billion na harapin ang matagal nang mga problema sa paliparan ng NAIA tulad ng congestion.
Kaya naman itong linggo, nai-award na ang kontrata para sa PPP deal sa pagitan ng gobyerno at ng SMC-SAC Consortium sa pangunguna ng San Miguel Holdings Corp.
Inaasahan na sa ilalim ng PPP deal na makakapagbigay ito ng halos ₱900 billion na kita para sa gobyerno kabilang ang ₱30 billion na upfront payment; karagdagang ₱2 billion taon-taon, kasama ang 82.16% na national government revenue share para sa 15 taong concession period na magdudulot umano ng malaking pag-unlad sa capacity at serbisyo ng NAIA.
Ang nasabing PPP Project din ang itinuturing na fastest approved PPP Proposal sa kasaysayan ng Pilipinas kung saan na-evaluate ang nasabing proyekto sa ilalim lamang ng anim ng linggo. | ulat ni EJ Lazaro