Nagpaabot pa ng tulong ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa mga pamilyang biktima ng landslide sa Barangay Masara, Maco, Davao de Oro.
Pinangunahan mismo ni NCIP Chairperson Jennifer Pia Sibug-Las ang pamamahagi ng relief packs sa displaced families.
Nagpaabot ng tulong ang NCIP sa survivors, pagkatapos ang insidente noong Pebrero 6 na kumitil ng maraming buhay at pagkasira ng maraming kabahayan at ari-arian.
Sa pakikipagtulungan ng pamahalaang panlalawigan ng Davao de Oro at ilang private organization tulad ng SOGO Cares at Apo View Hotel, naiparating ng NCIP ang tulong sa mga biktima ng trahedya.| ulat ni Rey Ferrer