Bangkay, narekober ng PCG sa karagatan ng Basilan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakarekober ang Philippine Coast Guard o PCG at Hadji Mohammad Ajul MDRRMO ng isang bangkay mula sa karagatang sakop ng Barangay Sulutan Matangal, Hadji Mohammad Ajul, sa Basilan.

Ayon sa PCG, narekober ang naturang bangkay kahapon, at kinuha ng MDRRMO para sa angkop na identification at proper disposition.

Sinabi ng PCG, inaalam pa ng mga otoridad kung ang nasabing bangkay ay ang huling nawawalang pasahero ng MV Lady Mary Joy 3, na maalalang nasunog noong March 29.

Batay sa huling datos ng PCG, aabot sa 216 ang survivors ng insidente; 32 ang kumpirmadong namatay (15 sa karagatan at 17 on board); at 1 ang nawawala.

Nauna nang naglunsad ang Maritime Industry Authority o MARINA ng imbestigasyon sa trahedya; at humingi ng tawad ang Aleson Shipping Lines Inc., na siyang may-ari ng MV Lady Mary Joy 3. | ulat ni Lorenz Tanjoco

?: PCG

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us