Pabor ang ilan nating kababayan na patawan ng community service ang ilang mga pasaway na walang patumanggang nagtatapon ng basura kung saan-saan.
Ito ang pinulsuhan ng Radyo Pilipinas sa pag-iikot sa Pasig City ngayong umaga.
Ayon sa ilang mga pinagtanungan ng RP1, tila hindi na kasi iniinda ng ilang pasaway ang multa sa tuwing sila’y mahuhuli o masisita na nagtatapon ng basura.
Anila, tiyak na mararamdaman ng mga pasaway ang kanilang pagkakasala kung maaabala sila ng 30 minuto hanggang isang oras sa paglilinis.
Sa ganitong paraan, mapagtatanto nila ang hirap na dinaranas ng mga street sweeper na maghapong naglilinis ng mga lansangan, mapanatili lamang ang kalinisan.
Una nang iminungkahi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pagpapataw ng community service laban sa mga mahuhuling nagkakalat sa halip na multa. | ulat ni Jaymark Dagala