Mambabatas, pinuri ang DOJ kasunod ng rekomendasyon na kasuhan ang may-ari ng lumubog na M/T Princess Empress

Facebook
Twitter
LinkedIn

Welcome para kay Bicol Saro Party-list Representative Brian Raymund Yamsuan ang desisyon ng Department of Justice (DOJ) na sampahan ng kasong kriminal ang may-ari ng M/T Princess Empress.

Ayon kay Yamsuan, isa itong malinaw na mensahe laban sa mga kompanya na inuuna ang kita kaysa sa pagsunod sa batas at pangangalaga sa kalikasan.

“We commend the DOJ under Secretary Boying (Jesus Crispin) Remulla for holding accountable those responsible for this massive environmental disaster that affected over 75 kilometers of our coastlines and robbed tens of thousands of families of their means of livelihood,” saad ni Yamsuan.

Batay sa ulat na inilabas, dalawang linggo bago ang anibersaryo ng Mindoro oil spill, pinakakasuhan ang mga corporate officer ng RDC Reield Marines Services, Inc., ang may-ari ng M/T Princess Empress; isang empleyado ng Maritime Industry Authority (MARINA); at isang pribadong indibidwal.

Inirekomenda na sila ay kasuhan ng multiple counts ng falsification of private documents, paggamit ng falsified documents, at multiple counts ng falsification of public documents.

Umaasa naman si Yamsuan na masingil ang RDC Reield Marine Services para bayaran ang mga mangingisda at iba pang manggagawa na ilang buwang nawalan ng trabaho dahil sa oil spill.

Batay sa pagtaya ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), nasa higit 40,000 na pamilya ang naapektuhan nito at nasa ₱7-bilyong halaga ng marine resources ang na-expose sa masamang epekto nito. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us