Tiniyak ng Presidential Communications Office (PCO) ang tuloy- tuloy na buhos ng tulong na ginagawa ng pamahalaan para sa mga magsasakang apektado ng El Niño phenomenon.
Ayon kay PCO Assistant Secretary at Task Force El Niño Spokesperson Joey Villarama, may mga direct interventions na ang ikinasa para maalalayan ang mga apektadong magsasaka.
Kabilang dito ang pamamahagi ng heat tolerant seeds, pagbibigay ng domestic animals, habang may ipinagkakaloob ding social protection assistance at financial aid.
Idinagdag ni Villarama na may mga pagsasa-ayos na ding ginagawa sa mga irrigation canals upang masiguro na may pagkukunang patubig para sa mga pananim.
Sa ngayon, ayon sa PCO official, ay nasa halos 4,000 magsasaka ang nakakaramdam na ng epekto ng pagtama ng matinding tag-init na pawang mula sa Regions 6 at 9. | ulat ni Alvin Baltazar