Isinusulong ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang tamang “waste management” sa kahit anong okasyon.
Kaya naman hinihikayat ng MMDA ang publiko, lalo na iyong mga nakatanggap ng bulaklak noong Valentine’s Day, na huwag basta itapon kapag nalanta na ito.
Paliwanag ng MMDA, sa halip na itapon ay pwedeng i-compost ng maayos ang lantang mga bulaklak.
Sa simpleng paaran na ito ayon sa MMDA, malaking tulong ito sa pangangalaga sa kalikasan.
Ang mga tuyong bulaklak, dahon, at halaman kasi ay mainam na nagbibigay ng mga sustansya bilang pataba para sa mga pananim.
Maliban diyan, paraan na rin ito para maiwasan ang basurang likha na maaaring bumara sa mga daluyan ng tubig at maiwasan din ang mga pagbaha tuwing umuulan.
Nabatid na ang tamang waste management ay bahagi ng Metro Manila Flood Management Project (MMFMP) Phase 1 ng MMDA. | ulat ni Jaymark Dagala