Umakyat sa 33.491 billion dollars ang cash remittance ng Overseas Filipino Workers sa bansa para sa taong 2023.
Sa datos ng BSP, tumaas ng 2.9 percent ang pera na ipinapadala ng mga OFWs sa kanilang mga pamilya sa Pilipinas na idinadaan sa mga banko.
Nitong nakalipas lamang na Disyembre, ang cash remittance ay umakyat ng 3.8 percent o 3.28 billion US dollars— kinukusiderang pinakamataas para sa 2023.
Paliwanag ng BSP, ang cash remittance growth ay sanhi ng pagtaas ng resibo mula sa land and sea-based workers dahil karaniwang tuwing Christmas season nagpapadala ang ating mga kababayan abroad ng pera sa Pilipinas.
Sa pagtaya ni ING Bank Manila Senior Economist Nicholas Antonio Mapa, magpapatuloy ang paglago ng remittance flows sa 3% “pace” katulong ang steady deployment ng pinoy abroad upang masustine ang expansion. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes