May-ari ng lokal na radio station sa Albay. humihingi ng hustisya matapos ipatigil ang kanilang operasyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaapela sa National Telecommunications Commission ang may-ari ng Zagitsit FM Radio station sa Albay na payagan silang mag-broadcast matapos itong ipasara kamakalawa.

Sa isang interview, sinabi ni Mr. Jun Alegre, Chief Executive Officer ng Zagitsit FM Radio Station, ito na ang ikalawang pagkakataon na sila ay ipinasara ng NTC.

Base sa cease and desist order na isinilbi ng NTC, ang kakulangan umano ng legal papers ang dahilan kung bakit dapat huminto sa pagbo-broadcast ang naturang istasyon.

Ngunit duda si Alegre, hindi ang kawalan ng legal papers ang tunay na motibo ng kautusan ng NTC bagkus ang matinding bakbakan sa pulitika sa kanilang lugar.

Si Alegre ay kumandidatong Provincial Board Member ng Albay sa ilalim ng Partido ng na-disqualified na Gov. Noel Rosal.

Sabi nya, posibleng ang pagiging malapit niya kay Rosal ang dahilan kung bakit iniipit ng kanyang mga kalaban sa pulitika sa Albay ang kanilang istasyon.

Noong nakaraang taon bago ang eleksyon, ipinasara din ang Zagitsit News FM Legaspi Albay na may Radio Frequency 100.3 dahil din sa kaparehong isyu.

Ngunit makalipas ang halos isang buwan ay pinayagan uli itong mag-broadcast matapos ang paghahain ng motion for reconsideration ng kanilang mga abogado.

Sa ngayon, ang online platform ang ginamit ng Zagitsit News FM Legaspi para ipagpagpatuloy ang kanilang mga programa habang inihahanda ng mga abogado ang isasampa na apela sa NTC. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us