Hindi palalampasin ng pamahalaan ang anumang porma ng pagsira sa kapaligiran ng Pilipinas.
Ito ang binigyang diin ni National Security Council (NSC) Assistant Director General Jonathan Malaya, kasunod ng ulat ng mga Pilipinong mangingisda sa Bajo de Masinloc, kaugnay sa umano’y paggamit ng Chinese fishermen ng cyanide sa kanilang pangingisda, upang sadyaing sirain ang marine environment sa lugar.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ng opisyal na pinayuhan na nila ang BFAR upang i-validate ang ulat na ito, kumpletuhin ang kanilang dokumentasyon, at kumalap ng mga kinakailangang ebidensya.
Sila aniya sa NSC, bagama’t nababahala sa development na ito, batid nila na kanilang magkaroon ng solidong reklamo, upang tumayo ito sa oras na maiharap na sa korte.
“Well, it was reported to us orally through BFAR by our Filipino fishermen. And kung mayroon silang ebidensiya, we told BFAR, i-collect nila iyan lahat, submit that to the National Task Force West Philippine Sea. And if we see that there’s probable cause or there is enough evidence to prove this claim, we will forward this to the OSG and the DOJ para mapaghandaan natin iyong ipa-file nating kaso because, of course, we cannot tolerate environmental degradation in our seas.” —Malaya.| ulat ni Racquel Bayan