Inihayag ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) na pumalo sa P14.2 milyon na multa ang nakolekta sa mga colorum o hindi rehistradong mga public utility vehicle (PUV) simula February 1 hanggang 15.
Ito ay sa pinaigting na Anti-Colorum Campaign ng SAICT at sa pakikipagtulungan sa Philippine Coast Guard at Land Transportation Office.
Layon nitong maprotektahan ang mga commuter, motorista, at pedestrian mula sa panganib na maaaring idulot ng mga colorum na PUV.
Nabatid na nasa P200,000 ang multa sa mga colorum na van, habang P1 milyon naman ang ipinapataw sa mga colorum na bus.
Nanawagan ang SAICT sa publiko na i-report ang mga kahina-hinala o ilegal na PUV sa DOTr Commutter Hotline 0920-964-3687.| ulat ni Diane Lear