Sinuspinde ng Joint Committee Meeting ng Basic Education and Culture at Committee on Higher and Technical Education ang pagdinig sa panukalang “universal education assistance to all pre-elementary, primary, secondary at tertiary students”.
Nanawagan si Committee on Basic Education Chair at Pasig Rep. Roman Romulo sa kanyang mga kasama sa Kongreso na maging “open minded” sa pagtalakay ng panukala dahil sa laki ng budget na kakailanganin at upang tiyaking na makatanggap ng tulong ang mga mahihirap na estudyante.
Sa ilalim ng House Bill 6908 na iniakda ni Batangay Rep. Gerville “Jinky Bitriks” Luistro, lahat ng estudyante sa pribado at pampublikong paaralan ay makatatanggap ng tulong pinansyal para sa kanilang edukasyon.
Kinwestyon naman ni Marikina Rep. Stella Luz Quimbo, ang kakayanan ng Commission on Higher Education (CHED) na iproseso ang lahat ng educational assistance sa lahat ng mga estudyante dahil sa ngayon ang problema anya ay tapos na ang pagaaral ng bata ay saka lamang nila nakukuha ang kanilang mga assistance at allowances.
Ayon naman kay Higher education Committee Chair Mark Go, kelangan pagaralan ang equitabilty ng panukalang batas dahil may mga pamilya naming mayayaman na kayang pag aralin ang kanilang mga anak.
Pinagsususmite naman ang lahat ng mga kinauukulang government agencies ng kanilang position paper sa House Bill. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes