Patuloy na itinataguyod ng Department of Education (DepEd) ang pagkakaroon ng safe space ng mga mag-aaral.
Kaya naman hinikayat ngayon ng DepEd ang mga estudyante gayundin ang kanilang mga magulang na huwag mag-atubiling dumulog sa kanilang Learners Telesafe Contact Center Helpline.
Ayon sa DepEd, hindi dapat ipagsawalang-bahala ang anumang uri ng pang-aabuso.
Batay sa datos ng kagawaran mula Enero 2022 hanggang Enero 2024, nangunguna ang physical bullying sa mga pang-aabusong dinaranas ng mga estudyante na nasa 83 kaso, sinundan naman ito ng verbal bullying na nasa 28, at cyberbullying na nasa 27.
Dahil dito, sakaling makaranas ng anumang uri ng pang-aabuso maaaring tumawag sa mga numero bilang (02) 8632-1372 o di kaya’y sa cellphone number na 0945 175 9777 o magpadala ng e-mail sa [email protected] | ulat ni Jaymark Dagala