Live-fire exercise, isinagawa ng Phil. at US Army Pacific sa Capas, Tarlac

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsagawa ng platoon live-fire exercise ang Philippine Army at US Army Pacific sa Camp Ernesto Rabina Air Base, Capas, Tarlac bilang bahagi ng Balikatan 38 – 2023.

Kalahok sa ehersiyo ang mga tropa ng 99th Infantry Battalion, 7th Infantry Division at 51st Engineer Brigade ng Philippine Army at tatlong platoon ng mga Amerikanong sundalo.

Kabilang sa mga pagsasanay ang artillery preparatory fires, helicopter air assault, aerial gunnery, obstacle breaching, knockout bunker, at room clearing.

Ngayong hapon isasagawa ng Philippine Army, Philippine Marine Corps, at 25th Infantry Division ng US Army ang live-firing ng javelin anti-tank weapon system sa Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija.

Ang lecture at simulation exercise sa paggamit ng Javelin ay isinagawa sa nakalipas na Salaknib exercise, at ang aktual na pag-fire ng anim na missile ay gagawin sa Balikatan Exercise. | ulat ni Leo Sarne

?: Philippine Army

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us