Pinangunahan ni Office of the Presidential Adviser for Peace Reconciliation and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr. at Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang groundbreaking Ceremony para sa kauna-unahang Peace and Development Center sa Northern Luzon.
Ang ₱50-milyong proyekto na itatayo sa Upper Session Road ang magiging tanggapan ng OPAPRU personnel sa Cordillera Region.
Ang pasilidad na may 3,775 square meters floor area, ay magsisilbi ding Peace Knowledge and Learning Center sa siyudad, at Convention Center para sa mga pagpupuplong at seminar.
Ang pondo para sa pasilidad ay kukunin mula sa Payapa at Masaganang Pamayanan (PAMANA) Program fund para sa taong 2024.
Ayon kay Sec. Galvez, sa pamamagitan ng bagong pasilidad ay masisiguro na ang lahat ng local peace and development efforts sa Cordillera ay maayos na matututukan, sa pamamagitan ng mas malapitang koordinasyon sa mga local stakeholder. | ulat ni Leo Sarne
📸: OPAPRU