Nagsagawa kahapon ng Combined Air Partol ang Philippine Air Force (PAF) at US Pacific Air Force sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Saklaw ng pagpapatrolya ang karagatang nasa 90 milya sa kanluran ng Candon Ilocos Sur, at 50 milya sa hilagang kanluran ng Lubang, Mindoro.
Ang aktibidad ang ikalawang bahagi ng pangatlong Maritime Cooperative Activity (MCA) sa pagitan ng dalawang magkaalyadong pwersa.
Lumahok dito ang tatlong FA-50 Fighter ng PAF at isang B-52H bomber ng Estados Unidos.
Ayon kay Armed Forces of the Philipines (AFP) Public Affairs Office Chief Colonel Xerxes Trinidad, ito ay demonstrasyon ng commitment ng dalawang pwersa na mapahusay ang kanilang Inter-operability at itaguyod ang kapayapaan at seguridad sa Indo-Pacific Region. | ulat ni Leo Sarne