Mayroon nang inisyal na higit 500 pamilya o 2,196 na indibidwal ang naitalang apektado ng pananalasa ng bagyong Amang.
Sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response Operations Monitoring and Information Center, as of April 12, ay naitala ang mga apektado sa Bicol at Davao Region.
Aabot na rin sa 78 pamilya o katumbas ng 275 na indibidwal ang pansamantalang inilikas sa limang evacuation center habang nasa 13 pamilya rin ang nakikitira muna sa kanilang kaanak.
Kaugnay nito, nakapagtala na rin ang DSWD ng 12 kabahayan na labis na nasira sa kalamidad habang dalawa ang partially damaged.
Tiniyak naman ng DSWD ang tulong na ipamamahagi nito sa mga lalawigang inulan dahil sa epekto ng bagyong Amang.
Aabot sa ₱1.4-billion ang halaga ng stockpiles at standby funds na inilaan nito para sa mga apektado ng bagyo. | ulat ni Merry Ann Bastasa