Sinabayan ng mga Marcos loyalist ang programa ng Edsa People Power para ipakita din ang kanilang katapatan sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.ย
Sa Marriott Hotel sa Clark Pampanga nagtipon-tipon ang hindi bababa sa 5,000 BBM national leaders.
Bukod sa mga Marcos loyalist, present din sa pagtitipon ang ilang mga LGU officers mula sa iba’t ibang lugar sa bansa at mga miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas.
Nagsilbing tagapagsalita sa naturang Convention sina Atty. Larry Gadon, Atty. Alex Lopez, Sagip Party-List Cong. Dante Marcoleta, OFW Party List Cong. Marissa Del Mar, mga katutubong Aeta ng Pampanga at iba pa.
Sa kanilang pagtitipon, muli nilang iginiit ang pagmamahal nila sa pamilya Marcos at suporta sa administrasyon ni PBBM.ย | ulat ni Michael Rogas