Kaniya-kaniyang diskarte na lamang ang mga tsuper ng jeepney sa Mandaluyong City matapos ang malakihang umento sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong araw.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa terminal ng jeepney sa Pinatubo Street, Mandaluyong City, sinabi ng ilang jeepney driver na tila pinatikim lamang sila ng katiting na rollback noong isang linggo.
Kaya naman, sinabi ng ilan sa mga ito na magdaragdag na lamang sila ng biyahe upang maipuno sa kanilang boundary at kahit paano’y tumaas ang kanilang take home na kita.
Epektibo ngayong araw ang ₱1.10 taas-presyo sa kada litro ng diesel habang ₱1.60 naman ang umento sa kada litro ng gasolina.
Umaasa naman ang mga jeepney driver na magkaroon ng paborableng galaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. | ulat ni Jaymark Dagala