Sa kabila ng off-season fishing at mga pag-ulan nitong Enero, nakapagtala pa rin ang Philippine Fisheries Development Authority (PFDA) 38,780.63 metriko toneladang isda na nadiskarga sa mga Regional Fish Ports (RFP) noong Enero.
Ayon sa PFDA, nangangahulugan itong sapat pa rin ang suplay ng fishery products sa bansa sa unang buwan ng taon.
Kabilang sa nagtala ng positibong numero ang Lucena Fish Port Complex (PFDA-LFPC) at Philippine Fisheries Development Authority-Zamboanga Fish Port Complex (PFDA-ZFPC).
Tumaas naman ng 8.17% ang huling isdang nadiskarga sa South-Central Luzon Port o katumbas ng 1,645.61 MT ng isda habang ang Western Mindanao Port ay nakapagtala ng 857.75 MT ng isda (a 10.97% increase).
Inaasahan naman ng PFDA na lalo pang tatatag ang suplay ng isda sa mga susunod na buwan matapos ang ilang buwang closed fishing season sa Zamboanga Peninsula, Northern Palawan, at Visayan Sea. | ulat ni Merry Ann Bastasa