Bumaba na ang presyo ng isda sa pamilihan ng Mega Q-Mart sa Quezon City.
Aabot sa P20 hanggang P30 ang ibinaba sa presyo ng kada kilo ng isdang galunggong.
Nasa P80 na lang ang kada kalahating kilo ng galunggong mula sa dating P90 hanggang P110 kada kalahating kilo.
Matatandaang pumalo sa mahigit P200 hanggang P230 ang presyo sa kada kilo ng galunggong sa pamilihan, dahil na rin sa tatlong buwang pagpapatigil sa paghuli ng isda sa ilang lalawigan.
Bukod sa galunggong, bumaba na rin sa P210 mula sa dating P230 ang kada kilo ng pampano; P180 sa kada kilo ng salmon; at P160 ang kada kilo ng salay-salay mula sa dating P120.
Nasa P180 naman ang kada kilo ng tilapia; P130 hanggang P150 ang kada kilo ng bangus na pandaing; P260 ang kada kilo ng batalay; P120 sa kada kilo ang tamban; P250 hanggang P280 ang presyo ng kada kilo ng hasa-hasa habang nasa P200 naman ang kada kilo ng ng dalagang bukid.
Umaasa ang mga nagtitinda ng isda, na magtuloy-tuloy na ang pagbaba ng presyo at ang magandang kita sa kanilang paninda dahil sa pagtatapos ng closed fishing season noong Pebrero 15. | ulat ni Rey Ferrer