Positibo ang pagtingin ni Senate Subcommittee on Constitutional Amendments Chairperson Senador Sonny Angara sa paghahain ng Kamara ng Resolution of Both Houses no. 7 o ang counterpart bill nila ng economic cha-cha.
Ayon kay Angara, kailangang magpasa ang Kamara ng sarili nilang bersyon ng economic cha-cha.
Ipinunto rin ng senador na bentahe rin ng mga kongresista ang oportunidad na ikonsulta nila sa kani-kanilang mga distrito ang panukalang amyenda sa economic provision ng konstitusyon.
Sakali naman aniyang magkaroon ng ibang nilalaman ang maipapasang bersyon ng Kamara ng economic cha-cha ay saka magkakaroon ng bicameral conference committee meeting.
Pero para mas maging mabilis amg proseso, sinabi ni Angara na mas mainam na i-adopt na lang ng Kamara ang bersyon ng Senado pero para makatiyak ay kokonsultahin aniya nila ang Kamara bago nila ipasa ang bersyon ng Senado. | ulat ni Nimfa Asuncion