Kanselado ang apat na biyahe sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong hapon dahil sa masamang panahon.
Batay sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado ang biyahe ng CebGo flight DG 6881 at 6882 na mga biyaheng Maynila patungong Surigao at pabalik.
Gayundin ang biyahe ng PAL Express flight 2P 2971 at 2972 na mga biyaheng Maynila patungong Siargao at pabalik.
Kaugnay nito, nagpaalala ang MIAA sa mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline company hinggil sa refund o rebooking ng kanilang biyahe. | ulat ni Diane Lear