Pinag-iingat ng Coordinating Council of Private Educational Associations (COCOPEA) ang Kongreso sa posibleng pagbubukas ng education sector sa 100 percent foreign ownership.
Sa pagdinig ng Senate Subcommittee on Constituional Amendments tungkol sa panukalang economic chacha (RBH no. 6), binigyang diin ng COCOPEA ang pangangailangan na protektahan ang kultura, values at interes ng mga Pilipino sa gitna ng mga talakayan sa pag ameynda ng saligang batas.
Pinunto ni COCOPEA President Fr. Albert Delvo na posibleng magkaroon ng pangmatagalang epekto sa susunod na henerasyon ng mga Pilipino ang panukalang ito.
Ilang miyembro kasi aniya ng COCOPEA ang nagpahayag ng pangamba na maaaring malagay sa alanganin ang kultura, values, morals at spiritual matetrs ng mga Pilipino ang pagbubukas educational institutions.
Kinilala rin naman ni Delvo na ilang mga institusyon na kasalukuyang nag-operate sa ilalim ng 60-40 arrangement sa foreign ownership ang kontento naman sa kasalukuyang set- up.| ulat ni Nimfa Asuncion