Isinusulong ni Senate Committee on Justice Chairman Senador Francis Tolentino ang ilang amyenda sa Motorcycle Crime Prevention Act o mas kilala sa Doble Plaka Law (RA 11235).
Sa sponsorship ni Tolentino para sa Senate Bill 159, sinabi nitong layon ng panukalang protektahan kapakanan ng mga Pilipino motorcycle riders.
Dito, ipinapanukala ang paggamit ng radio frequency identification (RFID) sa halip na doble plaka at pagpapataw rin ng mas rasonableng parusa.
Ipinunto rin ng senador ang discriminatory aspect ng double plaka law laban sa mga motorcycle riders.
Giit ni Tolentino, dapat maingat na balansehin ang kapakanan ng mga inosenteng rider at ang pagnanais na masugpo ang kriminalidad.
Ito lalo na’t base sa datos ng Land Transportation Office (LTO) mula January to October 2023, lumalabas na tanging 132 na motorsiklo lang sa 1.4 million motorcycles sa buong Pilipinas ang ginamit sa mga krimen.
Matatandaang March 2019 nang maisabatas ang Doble Plaka Law pero April 2019 nang suspendihin ang pagpapatupad nito dahil na rin sa panawagan ng mga motorcycle rider. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion