Nilinaw ni Senate Subcommittee on Constitutional Amendments Chairperson Senador Sonny Angara na tanging ang higher educational institutions lang ang maaapektuhan ng ipinapunakalang amyenda sa economic provision ng Saligang atas.
Sinabi ito ni Angara sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Seado ngayong araw tungkol sa Resolution of Both Houses no. 6 o ang panukalang economic chacha.
Sa hearing ngayong araw, partikular na tinalakay ang magiging epekto sa education sector ng economic chacha.
Sa ilalim kasi ng panukalang amyenda, bubuksan ang ownership, management o control ng mga educational institution sa mga dayuhan.
Pero binigyang diin ni Angara, limitado lang sa higher at tertiary education ang mga panukalang amyenda at hindi sakop ang basic education.
Binigyang linaw ni Angara, na sa paghahain nila ng resolution of both houses no. 6 ay intensyon talaga nilang protektahan ang basic education, at panatilihin sa kamay ng mga Pilipino ang pangangasiwa sa mga ito.
Batid aniya ng mambabatas, na napakahalaga ng bahagi ng mga Filipino schools at educational institutions sa paghubog ng mga kabataan. | ulat ni Nimfa Asuncion