Mula Davao del Norte, agad dumiretso sa Agusan del Sur ang humanitarian team ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa Agusan del Sur.
Ito’y para maghatid ng malinis na tubig sa mga apektado ng malawakang pagbaha bunsod ng walang tigil na pag-ulan doon dulot ng hanging amihan na pinalala pa ng trough ng Low Pressure Area o LPA.
Ayon kay MMDA Acting Chairman, Atty. Don Artes, ito’y bilang tugon na rin nila sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr para tulungan ang mga kababayang binaha
Bitbit ng kanilang team ang solar-powered water filtration units na kayang maglinis ng nasa 180 galon ng tubig kada oras
Kabilang sa mga naserbisyuhan ng MMDA ay ang mga barangay New Visayas, Erbo, at Lapinigan sa San Francisco, Agusan Del Sur. | ulat ni Jaymark Dagala