Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na ang patuloy na presensya ng barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na BRP Datu Sanday sa Bajo De Masinloc ay sang-ayon sa umiiral na batas at posisyon ng Pilipinas sa West Philippines Sea.
Ayon sa PCG, layon nitong matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipinong mangingisda sa lugar na maprotektahan sila mula sa karahasan.
Dagdag pa nito na namahagi rin ang BFAR ng fuel subsidy sa mga fishing boat ng mga Pilipino na nasa lugar upang matulungan at mapahaba pa ang kanilang pangingisda.
Iginiit ng PCG na may karapatan ang Pilipinas sa Bajo de Masinloc at ang mga karagatan na sakop ng exclusive economic zone ng bansa alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na naipanalo sa 2016 Arbitral Tribunal.
Matatandaang binigyang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang PCG at BFAR na panatilihin ang presensya sa West Philippine Sea sa gitna na rin ng patuloy na presensya ng mga barko ng Chinese Coast Guard sa lugar. | ulat ni Diane Lear