Tatlong dating violent extremists sa Lanao Del Norte na nagbalik-loob sa gobyerno ang pinagkalooban ng tulong pinansyal ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang bawat isa ay nakatanggap ng tig-₱10,000 mula sa DSWD Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) program.
Ayon kay DSWD Undersecretary for Inclusive-Sustainable Peace and Special Concerns Alan Tanjusay,
ang bigay na tulong ay bilang suporta sa implementasyon ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP) sa ilalim ng Executive Order No.70.
Kabilang sa mga dumalo sa payout activities si Brigadier General Anthon Abrina at iba pang opisyal ng 2nd Mechanized Infantry Brigade ng AFP.
Ang E-CLIP, ay mandato ng Administrative Order No. 10 (AO 10), series of 2018, na nagbibigay ng complete package ng assistance sa mga dating rebelde na nagnanais na magbalik loob sa pamahalaan. | ulat ni Rey Ferrer