Hinikayat ng Presidential Communications Office (PCO) ang mga kabataan na huwag maging kasangkapan at pagmulan pa ng mga pekeng balita o maling impormasyon.
Ang paghikayat ay ginawa ni PCO Undersecretary for Digital Media Services Emerald Ridao sa gitna ng ikinasang Community Campus Caravan sa Leyte Normal University sa Tacloban City ng PCO.
Ayon Kay Ridao, isang napakalaking problema ngayon ng disinformation na idinadaan sa social media na bahagi na ng araw- araw na buhay Ng mayorya.
Sa harap nito’y nagpa- alala ang PCO official sa mga kabataaan na sanay huwag magsilbi pang source ng fake news at sa halip, magsilbi sanang bahagi ng solusyon sa halip na pagmulan pa ng problema.
Kaya mahalaga ani Ridao na mapagkalooban ang mga kabataan ng kailangang kaalaman upang matukoy ang fake news mula sa mga lehitimong impormasyon lalo’t sila ang karaniwang biktima ng pekeng balita. | ulat ni Alvin Baltazar