Nagsanib-puwersa ang Anti-Red Tape Authority (ARTA), Department of the Interior and Local Government (DILG) at ang Buklod Bayani Coalition (BBC) upang labanan ang red tape at isulong ang kadalian ng paggawa ng negosyo sa Pilipinas.
Isang kasunduan ang nilagdaan ng tatlong grupo na magpapatibay sa kanilang pangako sa isang collaborative approach na magpapahusay sa mga proseso ng gobyerno at magpapaunlad ng ekonomiya.
Ang inisyatiba ay umaayon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na unahin ang whole-of-a-nation approach sa pagpapabuti ng business environment.
Binigyang diin ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. ang pagtutulungang ito ng lahat ng partido ay makapagbigay sa isa’t isa ng mga kinakailangang tools at resources upang higit na mapahusay ang mga proseso ng pamahalaan sa mga lokalidad.
Sinabi naman ni ARTA Secretary Ernesto Perez na nagpapahiwatig ng isang mahalagang hakbang ang kasunduang ito para makamit ang vision o pananaw ng Pangulo para sa isang mas investor-friendly na Pilipinas.
Ang BBC ay binubuo ng mga business leader mula sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), Employers Confederation of the Philippines (ECOP), Philippine Exporters Confederation (PHILEXPORT), International Chamber of Commerce – Philippines (ICCP), at Rotary Club Of Makati Central (RCMC) Foundation. | ulat ni Rey Ferrer