Welcome para sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang pagbabalik ng kilalang online gaming giant na 188BET sa Pilipinas na nagpapakita umano ayon sa ahensya ng kumpiyansa nito sa regulatory environment ng bansa.
Inihayag ni PAGCOR Chairman at CEO Alejandro Tengco, ang kanyang pag-asa at sinabing ang desisyon ng 188BET ay isang positibong tugon sa kanilang panawagan para sa mga investor sa larangan ng gaming sa Pilipinas.
Dagdag pa ni Tengco, na makakaasa ang 188BET ay ang iba pang potensyal na investors na ipagpapatuloy ng PAGCOR ang pagiging patas nito sa lahat kasama ng pagkakaroon ng isang level playing field na may predictable at dependable na regulatory framework.
Sabay alok sa mga investors na sakyan ng mga ito ang pataas na momentum sa kasalukuyan ng Philippine gaming industy
Samantala, ayon sa PAGCOR, sa pagbabalik ng nasabing online gaming giant, ito ay mag-o-operate sa bansa sa ilalim ng isang bagong Philippine-based company na Best Commerce Corporation, na sinasabing nire-regulate ng ahensya. | ulat ni EJ Lazaro