Umakyat sa 18.7% ang bilang ng mga proyektong inaprubahan ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa bansa para sa mga buwan ng Enero hanggang Pebrero, na may tinatayang halaga na aabot sa ₱12.1 bilyon.
Katumbas ito ng 28 PEZA-approved projects na inaasahang magdudulot ng $661.1 milyon na kita mula sa export revenues at makakaliha ng nasa 3,850 job opportunities.
Nitong Pebrero lamang, nasa 16 na proyekto sa iba’t ibang sektor ang inaprubahan ng PEZA na may kabuuang halaga na ₱9.88 bilyon.
Inaasahan na makakatulong ang mga proyektong ito na magdulot ng $591.48 milyon na revenue at magbibigay ng trabaho sa bilang na higit 2,000 kapag nagsimula na ang operasyon ng mga nasabing proyekto. | ulat ni EJ Lazaro