Binigyang pagkilala ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla ang mga state prosecutor matapos ang maitala nito ang mataas na case disposition para sa taong 2023.
Ayon sa report ng Office of the Secretary of Justice Prosecution Service (OSJPS) naitala nito ang 89.31% rate of case disposition para sa taong 2023, pagtaas mula sa 85.05% case disposition in 2022, at 53.18% noong 2021.
Ikinatuwa naman ni SOJ Remulla ang trabaho at dedikasyong ipinakita ng mga prosecutor at mga kawani ng DOJ sabay panawagan sa mga ito na ipagpatuloy ang mga magandang nasimulan at ang walang humpay na pag-abot sa kanilang mithiin.
Dagdag pa ng Kalihim, na patuloy ang kagawaran sa pag-professionalize ng burokrasya sa kanilang departamento at mapalakas ang aktibong partisipasyon ng mga prosecutor sa case build up at iba pa.
Maliban dito, naitala rin para sa taong 2023 ang pagbaba ng mga pending cases mula sa 1,330 noong 2019 pababa sa 465.
Habang napanatili naman ng OSJPS ang “very satisfactory” rating nito para sa taong 2023 na kapwa natanggap rin nito sa nagdaang taon. | ulat ni EJ Lazaro