Pinag-aaralan ngayon ng liderato ng Kamara ang panukalang P150 hanggang P350 kada araw na umento sa sahod ng mga manggagawa.
Ayon kay House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, kinikilala ng mga kongresista ang hamong kinakaharap ng mga manggagawa dahil sa taas presyo ng mga bilihin at paliit na halaga ng kanilang kakayanang mabili.
“Our workers are enduring tough times, and as their representatives, it is imperative that we find substantial solutions to alleviate their financial burdens,” ayon kay Dalipe.
Ani Dalipe, inatasan ni Speaker Martin Romualdez ang Kamara na tukuyin ang epektibong paraan kung paano mapalalaki ang take home pay sa pamamagitan legislated wage hike o pagbabago ng mekanismo ng regional wage board.
Nakatakdang talakayin sa Martes, February 27 ang mga nakabinbing panukala sa umento kabilang ang iniakda ni Deputy Speaker Raymond Mendoza, na nagsusulong ng P150 across-the-board wage increase.
“The urgency of these discussions highlights the House’s dedication to timely and impactful legislative action. While any increase is a step in the right direction, we must ensure that our legislative actions truly make a meaningful difference in the lives of our workers, particularly when considering the substantial challenges faced by the business sector, especially micro, small, and medium-sized enterprises,” paliwanag ni Dalipe.
Gayunman, mahalaga din ani Dalipe na mabalanse ang pangangailangan ng mga manggagawa at ang katatagan ng mga negosyo lalo at malaking bahagi ng ekonomiya ang binubuo ng MSMEs.| ulat ni Kathleen Forbes