Nalagpasan ng Bureau of Treasury ang kanilang target sa Five-Year Retail Treasury Bonds sa ginanap na siyam na araw na public offer period ng Department of Finance (DOF).
Base sa datos, nakalikom ng ₱584.86-billion ang Bureau of Treasury na mas mataas sa kanilang ₱400-billion target.
Ayon kay BTr Officer in Charge Sharon Almanza, unang nakalikom ng ₱212.719-billion ang ahensya sa ginanap na RTB30 rate setting auction, habang ang ₱372.7-billion sa nine-day period public offer- bond switch program.
Sa ilalim ng bond exchange program, ang malilikom na halaga, ay gagamitin para suportahan ang ilang programa ng gobyerno sa agrikultura, infrastructure, education, at healthcare sectors.
Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, ang investment na ito ng mga ordinaryong Pilipino ay malaking kontribusyon sa gobyerno at sa sambayanang Pilipino.
Ang 5-year Bond Exchange Program ay nakatakdang mag-mature sa February 28, 2029. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes