Binigyang diin ng Anti-Money Laundering Council ang pangangailangan ng PIlipinas na palakasin ang pagsisikap nito na labanan ang “terrorism financing” (CTF) kasunod ng pagkabigo ng Pilipinas na maalis sa “gray list” ng Financial Action Task Force.
Sa inilabas na February update ng FATF, bagaman may mga hakbang na ginawa ang bansa upang paghusayin ang anti-money laundering at financing of terrorism, kulang pa rin ito upang maalis ang bansa sa listahan ng FATF.
Hinimok ng FATF ang PIlipinas sa agarang pagpapatupad ng action plan upang epektibong pangasiwaan ang panganib sa designated non-financial business and professions and implementation of controls (DNFBPs) at mabawasan ang panganib na nauugnay sa mga operasyon ng casino junket.
Sa kabila nito, kinilala naman ng FATF ang pagsisikap ng bansa na makamit ang recommended action plan laban sa financial crime.
Ayon sa AMLC, kailangan palakasin ng gobyerno ang pagbabantay sa mga DNFBPs , casino junket, beneficial ownership information, money laundering and terrorism financing, prosecution at cross border declaration measures. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes