“Walang garantiya.”
Ito ang pananaw ng mga nagtitinda ng sibuyas sa Agora Public Market sa San Juan City hinggil sa mga napapaulat na nagbebenta ng sibuyas online.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, sinabi ng mga nagtitinda na hindi naman sila tutol sa pagbebenta ng sibuyas online subalit para sa kanila, walang garantiya ang kalidad ng mga produktong ibinebenta rito.
Hindi tulad anila sa pisikal na palengke kung saan, makapamimili ng mas magandang produkto na pasok sa panlasa ng mga bibili.
Kapag naman hindi nasiyahan sa nabiling produkto, maaari itong ibalik o di kaya’y palitan ng iba
Nabatid na sa online naibebenta ang sibuyas sa halagang ₱80/kg na mas mataas kumpara sa ibinebenta online na nasa ₱25/kg.
Samantala, narito naman ang presyuhan ng iba pang gulay sa Agora Public Market ngayong araw:
Sibuyas – ₱80/kg
Bawang – ₱140/kg
Kamatis – ₱130/kg
Luya – ₱120/kg
Carrots – ₱110/kg
Talong – ₱70/kg
Ampalaya – ₱100/kg
Repolyo – ₱60/kg
Pechay – ₱60/kg
Sayote – ₱40/kg
| ulat ni Jaymark Dagala