Nadagdagan pa ang suplay ng spare parts ng MRT-3 sa pagdating ng shipment ng mga bagong gulong ng tren.
Ayon sa MRT-3 management, dumating ngayong buwan ang nasa 160 piraso ng spare na mga gulong ng tren na nakaimbak ngayon sa depot.
Sumailalim na rin ito sa inspeksiyon ng mga technical personnel ng linya.
Paliwanag ng pamunuan ng MRT-3, tulad ng karaniwang gulong, nagkakaroon din ng wear o sira ang mga gulong ng tren kaya kritikal din ang regular checking ng mga ito upang malaman ang mga posibleng sira at kung kinakailangan nang mapalitan.
Dagdag pa nito, mahalaga ang regular na maintenance din ng mga gulong ng tren upang maiwasan ang aberya sa operasyon ng MRT-3. | ulat ni Merry Ann Bastasa