Nag-commit ang World Bank sa Pilipinas na ipakilala ang mga makabagong paraan upang paghusayin ang financial instruments na naayon sa bansa.
Ito ay kabilang sa mga tinalakay sa pulong ni Finance Secretary Ralph Recto at World Bank Group (WBG) Managing Director and Chief Financial Officer Anshula Kant.
Kabilang sa financial instrument na binanggit ng WB official ay ang paraan na dinisenyo upang pagbutihin ang crisis toolkit ng bansa, at matiyak na may access nito sa pondo sa panahon ng emergency.
Nagkasundo naman si Recto at Kant, na tuklasin ang mga paraan na mapalawigin ang lending terms ng Pilipinas at matukoy ang potential areas for partnership.
Binigyang diin ng kalihim, na nais nilang makita ang “more adaptable at responsive“ na World Bank na tutugon sa gitna ng global challenges.
Muling inihayag ng magkabilang panig ang kanilang commitment na pagsusulong na socioeconomic agenda ng gobyerno sa pagitan ng pinalakas na partnership. | ulat ni Melany Valdoz Reyes