Supply ng kuryente sa ilang lalawigan na sinalanta ng bagyong Amang nasa 100% operational na — DOE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasa 100 percent operational na ang ilan sa mga lalawignan na nasalanta ng bagyong Amang nitong mga nakalipas na araw.

Ayon sa situational report na inilabas ng Department of Energy (DOE) nasa 20 electric cooperative sa limang rehiyon ay nasa normal operations na.

Habang ang ilan sa mga transmission lines ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ay 100 percent fully functional na.

Kaugnay nito na nasa 100 percent fully operational na ang Quezelco 1 ngayong araw na nakakaranas kamakailan ng rotating power interuptions.

Samantala, sapat naman ang fuel supply sa mga nasabing rehiyon at wala namang naitatalang kakulangan ng suppy. | ulat ni Arrian Jeff Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us